Crush Personalities

ImageHeya! I’m back. Its been months since my last blog post. We’ll that’s because I’m quite busy doing other stuffs. haha! =)))

For sure everyone of us has/had a crush on someone right? It’s a normal thing for us people to have crush/crushes. *Abnormal ka kung wala* HAHAHA! joke..

I will show to you guys the different personalities of person who has a crush unto someone and some na *na-crushan* pangit na term. HAHAHA! Bat nga pala ako nag english sa una eh tagalog tong ipopost ko.. *hash-tag* Medyo Tanga.

NAGKAKA-CRUSH

 Image

SULYAPER or THE OWL - ito yung kuntento na sa kanyang makita siya, pasulyap-sulyap, nakakatitig minsan pero hindi magawang lapitan at magpapansin. Halos matunaw na si crush sa kakatitig.
Image
DA MOVER - taong gumagawa ng paraan upang mapalapit sa taong kanilang hinahangaan.
Image
LANTADER/BUNGANGER - ito yung masyadong lantad o obvious na crush na crush niya ang isang tao. Nandiyan yung isigaw niya na crush niya ang isang tao.
Girl1:”Ate libro ka ba? “
Girl2:”Bakit?”
Girl1:” Ang kapal mo kasi.”
Girl2:” =/ =/ =/ >:< >:< >:< “
Image

THE STALKER - taong sinusundan ang crush kahit saan magpunta malaman lamang ang mga hilig at itinerary nito.
“NBI lang ang peg?”

Image
THE CALLER/TEXTER/CALL CENTER AGENT - taong gumawa ng paraan para makontak ang crush sa pamamagitan ng pagkuha ng cellphone number mula sa isang kakilala.
“Para-paraan lang??”
Image
THE ASSUMER - taong kung makapag-assume ay wagas. Nginitian lang ni crush ang akala niya ay crush din siya o may gusto na din sa kanya.
“gising gising din pag may time. Ito Hopia ohh kain ka!”
Image
THE MOVE ON - taong animo’y na-heart broken dahil sa nakita niyang may kasamang iba ang crush o di kaya’y taken na ito.
“hmmmm naging kayo???!”
Image
THE FC (Feeling Close) - mga taong lumalapit mismo sa crush, nakikipagkilala at nakikipagkaibigan kahit kakikilala pa lang sa kanyang crush.
Crush: “Do I know you?”
Girl: “I love you”
-Te, intindihin ang tanong! ampf!.
Image

MARTYR NIEVERA/THE PET - taong nalaman na ng kanilang crush na humahanga sila dito. Ang ginawa ng naka-crush-an, inabuso ang kabaitan at magandang ipinapakita ng taong may crush sa kanila. In short, naging sunud-sunuran at tau-tauhan.
“Kuya, instant alalay??”

Image
CRUSH BROKEN - taong ginawa na ang lahat ng pagpapapansin sa crush niya pero walang nangyari. Ang ending. “Nga-nga”.
“Wag kang sumuko ate, i-push mo yannnnnnnnnnnnnn.”
Image

TANGGERO/TANGGERA - taong halata na eh itinatanggi pang hindi daw nila crush. Kahit na mismong yung taong crush niya ang magtanong sa kanya ay todo tanggi pa din.
” Amin amin din pag may time.”

Image

THE CRYER – taong iyakin. Kaparehas ito ng DA MUVE UN. Nasasaktan pag nakikita ang crush na may kasamang iba. Idinadaan na lamang sa iyak ang lahat.
“Don’t cry. Marami pa diyan nakapila sa’yo.”

Image

FEELINGERA - taong inaakalang ang lahat ng nararamdaman ay love na. Kumbaga ay nasa feeling of infatuation ang kanyang nararamdaman. Maaaring love na nga iyon. :hx
“I-push mo yan!!!”

Image
THE COUPLE - ito ang success story ng taong nagkaka-crush. Mula sa pagiging crush ay nauwi ito sa love. Pati ang kanyang crush ay may lihim na pagtingin sa kaniya.
“What a nice story.. 8-> 8-> 8-> “

NAKA-CRUSH-AN

Image

PA-CUTE - taong walang humpay ang pagpapapansin at pagpapapogi sa harap ng taong nagkaka-crush sa kanya. Kumbaga nag-over confident siya dahil sa nalaman.
“Mr. Pogi lang??”
Image

PA-HOPIA - mga taong paasa. Nalaman lang nilang crush na sila eh todo-todo ang pag-papaasa.
“Habulin mo ako gat gusto mo.”

Image

FG (Feeling Gwapo/Ganda) - kaparehas lang ni PA-CUTE. Mga hindi naman talaga nabiyayaan ng magandang mukha pero sobra ang pagpapa-cute. Ito yung mga taong na-crush-an dahil sa angking talino o kabaitan.

Image
PA-HIYA/TABOYER - taong ayaw na ayaw sa taong nagkaka-crush sa kanya. Kaya’t ang tanging naisip na paraan upang layuan siya at tigilan na ay ipahiya ito sa maraming tao. Paraan ito ng pagtataboy nito sa babae o lalaki.
“Tsk! tsk! bad yaan! [-X “
Image
UNASSUMER - mga taong relax lang. Chillax lang ng nalaman nilang may nagkaka-crush pala sa kaniya. Kumbaga humble lang, walang ka-ere ere sa katawan.
” :7 :7 :7 “
Image
GOOD BOY/GIRL - taong mababait. Kaparehas ni UNASSUMER. Hindi nananamantala kahit na alam niyang may nagkaka-crush sa kanya.
” >:D< >:D< >:D< “
Image
DA MOVER - taong pag nalaman niyang may nagkaka-crush sa kanya ay agad nililigawan o ginagawan ng paraan para mapalapit dito. Mga taong ayaw mabakante at nagbibilang ng BF/GF. Ngunit maaari din namang talagang may lihim siyang pagtingin sa nagkaka-crush sa kanya.
Image

ARGABIYADO VERSOZA - taong mapanamantala. Sinasamantala ang sitwasyong may taong nagkaka-crush sa kanya. Na maaaring umabot na sa puntong panghuhuthot ng pera at anumang materyal na bagay.
“FEELING MO CHARITY KA?![-X =O/ “

Image
SUPLADOR - taong iritable at suplado. Hindi man lang magawang ngumiti at magsabi ng “Hi!” sa taong nagkaka-crush sa kanya. Maaaring paraan ito upang hindi siya pagkamalang mayabang o assuming.
Girl: “Hi Juan!”
Juan: ” :-@ “
Image
CRUSH BREAKER - taong bumibigo sa taong nagkaka-crush sa kanila. Hindi nagbibigay ng pag-asa o hindi kaya’y nagpapaasa. Sabagay, mas ayos na ito kaysa magpaasa ng sobra-sobra.
Ika nga ng Araling Panlipunan teacher ko noong highschool “Kapag di ka gusto ng crush mo para ka lang isang KURTINA sa bintana. Mas tinitignan ng crush mo ang MAS MAGANDANG VIEW sa labas kesa sayo.”
Image
TORPIDO - taong torpe. Alam niya sa sarili niyang may pagtingin siya sa taong nagkaka-crush sa kaniya. Kaya nga lamang nahihiya na at natotorpe. Sayang ang panahon na sana’y magkasama na sila at puwedeng maging isang couple.

Ang crush ay isang paghanga lamang. Ang sarap ng pakiramdam na may hinahangaan ka at may humahanga sayo. Ngunit kailangan alam natin ang ating limitasyon at pagpapanatili ng ating magandang ugali. Dapat nalalaman natin kung saan tayo lulugar at walang napapabayaan dahil dito.

Sino ka dito sa mga nabanggit???
Maaari ka ding magdagdag ng mga personalidad ng nagkaka-crush at naka-crush-an kung may naiisip ka. :-D

Maraming salamat sa pagbisita! :-D :-D :-D

Kredito sa may-ari ng larawan sa itaas.

NEXT BLOG POST: JEEPNEY DIARIES. STAY TUNED!

About these ads

3 thoughts on “Crush Personalities

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s